Sa paggamit mo ng AdSense sa iyong website, ang una at pinakaimportante mong dapat malaman ay
Hindi Ka Kikita Kaagad.
Oo. Uulitin ko ha para mahimasmasan ka at maging realistic ang iyong expectation.
Hindi Ka Kikita Kaagad.
Ngayon na medyo naglalaro na iyan sa isipan mo at hindi mo pa masyadong natatangap ay ibibigay ko ang general pattern na nangyayari sa mga websites na nakadepende sa Google Adsense.
1) 0.00 earnings sa first day o pwedeng sa first week o pwedeng sa first month :)
Bakit?
Dahil depende ito sa iyong web traffic. Sabihin na natin na magaling ka ng maglagay ng ads dahil binasa mo ang entry kung papaano ang tamang paglalagay ng Adsense Ads sa website. Pero hindi ito nangangahulugan na kikita kana.
Ang layout mo at ang iyong mga ads ay nasa iyong kontrol. Pero ang mga bisita mo, ay hindi mo kontrol.
Ang web traffic mo ay hindi mo kontrol.
Kung mataas na ang iyong web traffic bago pa man nailagay ang iyong adsense, malaki ang posibilidad na sa unang araw pa lamang ay kikita ka na. Eto ang aking naranasan sa mga websites na ginawa ko.
Pero ang matindi, kung wala ka pang masyadong traffic at naglagay ka na kaagad ng ads, maaaring wala ka ring kikitain. Common sense lamang hindi ba?
Hindi ko sinasabi na wag kang maglagay ng ads sa unang araw ng opening ng website mo. Ang gusto kong iparating sa iyo ay ang kita mo ay nakadepende sa iyong web traffic.
2) Tataas ang iyong kita sa pagtaas ng iyong web traffic
Eto ang magandang balita. Kahit na sobrang baba ang kita mo sa unang araw o kaya unang linggo o unang buwan, tataas yan habang tumataas ang iyong traffic.
3) Mas Tataas yan Kung Mapapabilis Mo Pa ang Pag-akyat ng iyong web traffic.
Hindi ba ito kaparehas lamang ng nasa (2). Hindi. Kaya ko sya parang inulit dahil malaki ang pagkakaiba nila. Ang number (2) ay tungkol sa natural na paglago at pagtanda ng iyong website. Eto ang nagpapataas sa iyong traffic.
Pero ang number (3) ay tungkol sa mabilisang pagakyat ng traffic. Eto ay bahagi na ng tinatawag na Search Engine Optimization. Malaki ang coverage ng topic na ito at mayroong website na ginawa para lamang dito. Kung interesado ka na matuto kung papaano mag SEO, pumunta ka lamang sa Pinoy SEO at marami kang malalaman doon.
4) Kapag Natikman Mo ng Kumita ng Medyo Malaki, Mas Lalaki pa ang iyong kita
Ang number (4) ang pinaka importante na kailangan mong tandaan. Ibig sabihin nito, kailangan mo lamang matikman ang pagkita, dahil pag natikman mo ito, ibig sabihin may ginawa kang tama -- Nakatsamba ka.
At kailangan mo lamang ulit-ulitin ito, paghusayin pa lalo kung ano man ang iyong ginawa bakit bigla kang kumita. Ngayon, kung mauulit mo ito, sigurado na ang iyong pagkita ng marami sa pamamagitan ng AdSense.
In Summary, wag kang bibitaw, wag kang susuko hanggang hindi mo natitikman na kumita ng kaunti. Dahil pag natikman mo ito, eto na ang pasimula ng regular na mataas na kita.
5) Maraming tao ang sumusuko at hindi nagtatagumpay
Dahil mukhang mahirap maranasan ang unang tikim ng pagkita, maraming tao ang sumusuko. Eto ang aking suggestions para hindi ka sumuko ng tuluyan:
a) Iwan mo ang iyong website o blog ng ilang araw. Gumawa ka ng ibang bagay para mawala ang iyong atensyon dito. Magrefresh ka.
b) Wag mo munang pansinin ng ilang araw ang iyong AdSense earnings. Basta maglagay ka lang ng maraming content palagi.
c) Mag-aral ka kung papaano mag SEO para mapataas mo ang iyong traffic. Pumunta ka sa Pinoy SEO.
Karamihan ng mga pamamaraan kung papaano kumita ng malaki sa AdSense ay nasa larangan ng SEO. Kaya napakaimportante na matutunan mo ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment