Ang Google Adsense ay isa sa mga pinaka-flexible na ads system. Marami kang pwedeng pagpilian at pwedeng gawin sa kanilang mga ads. Ang importante ay alam mo kung papaano hanapin ang mga tamang kombinasyon para kumita ka ng malaki sa Adsense.
Eto ang mga pinakaimportanteng kailangan isipin sa paglalagay ng Adsense ads:
1. Location ng Ad
2. Size ng Ad
3. Type ng Ad
4. Color ng Ad
5. Font ng Ad
Marami ng research na ginawa para matuklasan kung anong klaseng mga ads ang pinaka-malakas kumita. At mga aral na napulot sa mga ito ang ating aalamin.
Pero bago tayo pumunta sa theory, atin munang alamin ang iyong sariling behavior pag nasa isang website ka.
Gawin nating halimbawa ang Friendster.
Matanong kita, nagclick ka na ba sa kahit anong ads sa Friendster? Oo o Hindi?
Ang aking sagot, isang malaking HINDI.Kahit kailan ay hindi pa ako nagclick sa ads ng Friendster.
Ngayon sasabihin ko sa yo kung anong website ako madalas magclick ng ads, eto yung:
http://ezinearticles.com/
Ang website na iyan ay tungkol sa iba't ibang articles. Kapag nagbabasa ako dyan, madalas ay napapaclick ako sa mga ads. Eto ba ay dahil nililinlang nila ako? O kaya dahil aksidente ko lang naclick ang mga ads?
Ang sagot ay HINDI. Maayos lang talaga ang kanilang website at nakakaenganyo na magclick sa mga ads, dahil mukhang may silbi sa iyo ang pagclick sa ads. Hindi gaya ng ibang website na nakakairita na makita ang kanilang mga ads.
Ngayon anong mayroon sa EzinerArticles na wala sa Friendster?
Sa kontekstong ito ating ia-apply ang mga aral mula sa mga research.
Importante ang Location ng Ads
Ang pinakauna at pinakaimportante na kailangan mong matutunan ay ang tamang paglalagay ng Ads sa iyong website.
Batay sa research, ang mga ads na nasa itaas ng website, yung mga ads na sakto sa mata ng tao, mga ads na hindi nakatago ang mataas kumita.
Kaya wag mong ilalagay ang ads sa kung saan hindi tumitingin ang bisita.
Halimbawa sa website na ito, hindi mo ba napapansin na ang mga ads ay nasa itaas at nasa level ng mata ng tao? Hindi rin sya nakakairita at maayos ang kanyang pagkakalagay.
Importante ang Size ng Ads
Batay sa research na ginawa mismo ng Google, may mga sizes na mas mataas kumita kaysa sa iba. Hindi ko na ilalagay dito kung alin ang mga sizes na ito dahil may mas maganda akong suggestion sa iyo. Ang basic rule ay
Know the best sizes for your site
Hindi taga labas ang magsasabi kung ano ang size ng ads na maganda para sa iyong website. Kung nagwork sa iba ang kanilang napiling size, hindi iyon nangangahulugan na kikita ka rin ng malaki.
Ang size ay dependent sa Layout
Kung mataas ang kita ng ibang website sa isang ads size, wag mo lang titingan ang size ng ads kundi pati yung layout paano siya nilagay. Kung kokopya ka ng ideas sa iba, kopyahin mo hindi lamang ang ad size kung hindi pati ang ad location nya.
Importante ang Type ng Ads
May tatlong klase ng ads na pwede mong ilagay sa iyong website
* Content Image ads
* Content Text ads
* Links Text ads
Kagaya ng size ng ads, ang type ay dependent din sa layout ng web page. May mga pagkakataon na magandang text dapat ang nakalagay, minsan naman ay dapat image. Muli, ang pinakamaganda mong gawin ay tingnan kung papaano maglayout ang mga websites na may mataas na kita sa Adsense
Importante ang Color at Font ng Ads
Isa sa pinakaimportante na kailangan mong iset up ay ang kulay at font ng iyong text ads. Ang magandang balita dito ay madali lamang malaman kung alin ang pinakamaganda para sa iyong website.
Eto ang pinakasimpleng gabay:
Gamitin mo ang font at color na ginagamit mo sa iyong sariling hyperlink
Batay sa research, mas mataas ang kita pag pareho ang font at kulay ng ads at ng iyong mga hyperlink.
Summary ng Mga Leksyon
Ang pinakaimportante na kailangan mong tandaan ay unique ang iyong website. Kung ano ang nagwork sa iba ay maaring hindi magwork sa iyo. Kailangan mong magexperimento, kailangan mong sumubok at matuto.
Para mapadali ang iyong pageeksperimento, pwede ka namang mangopya ng layout ng iba. Eto ay para matuto ka. Pagkatapos noon ay doon ka maginovate at gawing personal ang iyong layout. Matututo ka rin, yan ang sigurado.
Papaano ang Tamang Paglalagay ng Adsense Ads sa Website?
Posted by Admin | 12:50 AM | richpinoy | 0 comments »
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment