May website ka ba? Gusto mo bang magkaroon ng maraming bisita ang website mo? Siguro ay mayroon kang binebentang produkto? O marahil ay kumikita ka sa mga ads sa iyong website?

Kung oo ang sagot mo sa mga katanungan sa itaas, sigurado magugustuhan mo ang SEO.

Ano nga ba ang SEO?


Ang SEO ay nangangahulugan na Search Engine Optimization. Ano ang inooptimize? At bakit?

Majority ng mga bumibisita sa mga websites ay galing sa mga search engine gaya ng Google, Yahoo o kaya ng Bing. Madalang lamang na diretsong pumupunta ang mga users sa isang website na ginagamit ang url nito.

Bigyan kita ng magandang halimbawa.

Pamilyar ka ba sa Wikipedia?

Ako ay madalas gumamit ng Wikipedia. Isa itong online na encyclopedia. Kaya lang, hindi ko binibisita ang Wikipedia na ginagamit ang url nito, sa halip napupunta ako sa Wikipedia kapag nag search ako sa Google.

Gawan natin ng isang ehemplo. Ngayon din ay isearch mo ang Homer Simpson sa Google.

Saan sa tingin mo ikaw napunta? Sa website ng The Simpsons? Hindi di ba? Sa halip napunta ka sa Wikipedia entry para kay Homer Simpson.

At alam mo ba ang dahilan bakit napunta ka sa Wikipedia? Maraming kadahilanan pero ang pinaka dabest na sagot dito ay -- dahil sa SEO.

Gaano ba Talaga Kaimportante ang SEO?

Siguro ngayon ang tanong mo -- importante ba talaga ito para sa akin? Ang sagot ay isang malaking OO.

OO kung gusto mo ng malaking traffic papunta sa website mo.

OO kung gusto mo na pag may nagsearch sa yo sa Google, napupunta sila sa website mo.

OO kung gusto mong kumita sa mga Google ads sa website mo.

OO kung gusto mo na magkaroon ng "good reputation" ang website mo.

OO kung balak mong ibenta ang domain name ng website mo.

OO kung gusto mo na maraming mag request na makipag-exchange links sa yo.

O, ano convince ka na ba na importante ang SEO para sa website mo?

Ang tanong ngayon, Paano isinasagawa ang SEO?

0 comments