Ngayon na mayroon ka ng Google Adsense Account ang susunod na importanteng gagawin mo ay ang magsetup ng Google Analytics Account.

Bakit nga ba kailangan na mayroon kang Google Analytics Account?

Hindi ka kikita sa Google Analytics, ngunit ang impormasyon na makukuha mo dito ay halos katumbas ng salapi na kikitain mo sa Google Adsense. Kung ang Adsense ang iyong pitaka, ang Analytics ang iyong utak.

Eto ang mga Ilan sa mga makukuha mo sa Analytics

1. Malalaman mo kung ilan ang bumibisita sa iyong website
2. Malalaman mo kung saan sila madalas pumunta sa website
3. Malalaman mo kung saan sila nanggaling bago nakarating sa iyong website
4. Malalaman mo kung anong oras pinakamarami ang mga bisita at kung ano ang kanilang ginagawa

Kung napansin mo, puro mahahalagang impormasyon tungkol sa mga gumagamit ng iyong website ang binibigay ng Analytics.

Ang importanteng tanong - ano ang kaugnayan nito sa iyong kita sa Adsense?

Ang sagot - MALAKI.

Ang analytics ang pinakamahalagang tool na magagamit mo sa pagpapayaman sa Adsense.

Ang pangunahing dahilan kung bakit importante na marami kang alam sa iyong mga bisita ay nakasummarize sa sikat na kasabihan

Internet Traffic is Money

Wala ibang panggagalingan ang iyong kita kung hindi sa mga bisita mo. Kaya importante ang mga impormasyon na binibigay ng Analytics. Sa madaling salita, kung alam mo ang bilang ng iyong mga bisita, at alam mo kung papaano sila lalong pararamihin, tataas ang iyong kita.

Ngayon, paano mo sila mapaparami kung hindi mo alam ang kanilang bilang o ginagawa sa website?

Kaya importante talaga na magsign up ka at magkaroon ng Google Analytics Account.

Mga Steps Kung Papaano Magkaroon ng Google Analytics Account.

1. Pumunta ka sa http://www.google.com/analytics/
2. Click mo ang Sign Up Now
3. Kompletuhin ang registration form.
4. May makukuha kang code na kailangan mong ilagay sa iyong website. Eto ay importante at lahat ng pages mo dapat ay magkakaroon nito.
5. Pagkatapos mong ilagay ang code sa iyong site, pwede mo ng iverify ito sa Analytics. Sasabihin ng Analytics na successful ang pagkakalagay ng code.
6. Bigyan mo ng isang araw ang Analytics at pagkatapos nito, magkakaroon ka na ng impormasyon tungkol sa iyong website.

Ngayon na mayroon ka ng Analytics, handa ka ng malaman kung papaano ang tamang paglalagay ng Adsense ads sa iyong website.

0 comments