Para sa mga baguhan na katulad natin, ang SEO ay isang napakakomplikadong bagay. Maraming dapat malaman, marami ang dapat gawin. Ngunit ganoon nga ba talaga? Ano ang mga pinakaimportanteng gagawin para maging matagumpay sa SEO? Mayroon bang "easy way" o yung tinatawag na madaling paraan, o yung "shortcut" para maging bihasa dito?
Simple lang ang sagot -- walang shortcut para maging magaling sa SEO. At hindi rin naman kailangan maging sobrang komplikado ang mga bagay bagay, BASTA alam mo ang basics at masikap ka sa pag-aplay sa mga ito.
Unahin natin ang pinakaimportanteng katanungan.
Sa Araw na Ito, Paano ko Maisasagawa ang SEO?
Upang masagot ang napakaimportanteng tanong na ito, kailangan mong malaman ang dalawang uri ng SEO.
Dalawang Uri ng SEO
Ang mga bihasa sa SEO ay nagsasabi na mayroong dalawang uri ng SEO. At malaki ang pagkakaiba ng dalawang ito. Magkaiba ang level ng hirap at puhunan sa oras at trabaho na iyong kailangan ibigay para maisagawa ang mga ito. Sa aking karanasan, kailangan at importante na maging malinaw sa iyo ang pagkakaiba ng dalawang uri ng SEO.
1) On Page Optimization - eto ang SEO na iyong gagawin sa sarili mong website. Hindi mo kailangan na lumabas sa iyong site para makumpleto ito.
2) Off Page Optimization - eto ang SEO na kailangan mong gawin sa labas ng iyong website. Pwede mo munang kalimutan na mayroon kang website dahil kailangan mong lumayo.
Dahil mahaba ang dalawang topic na ito, sundan ang mga links na ito
Paano Isasagawa ang On Page Optimization?
Paano Isasagawa ang Off Page Optimization?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment