Nalaman natin na mayroong dalawang uri ng SEO. Ang unang uri na madalas tawaging On Page Optimization ay nakafocus sa iyong sariling website. Pwede mong kalimutan muna na may mundo sa labas ng iyong website dahil lahat ng hirap at trabaho na gagawin mo ay para sa iyong sariling website.
Gaano Kahirap ang On Page Optimization?
Ang On Page Optimization ay hindi mahirap. Eto ay mas madaling gawin kumpara sa ikalawang uri. Batay sa pagkakadesign ng iyong website at sa software na iyong ginagamit, malaki ang posibilidad na kaya mo itong tapusin sa loob lamang ng 30 minuto.
30 Minuto? Totoo ba ito?
Ang sagot ay OO. Basta alam mo ang tamang gagawin.
Bago ko sabihin sa iyo kung paano isasagawa ang On Page Optimization, kailangan natin na magdefine ng ilang mga salita, baka kasi malito ka at hindi mo maintindihan ang bokabularyo na aking gagamitin.
Mga Importanteng Salita sa On Page Optimization
1) Title Tag - pag tumingin ka sa browser mo, nakikita mo yung title ng web page hindi ba? Ang title ay kontrol ng title tag. Ito ay nasa html ng iyong web page.
[title]Paano Isinasagawa ang SEO? - Pinoy SEO[/title]
2) Priority Tags - H1, H2, H3 - pag tumingin ka sa isang web page, madalas na makita mo ang titulo ng news article o kaya ng kahit anong binabasa mo ay nasa malalaking letra. Ang tawag dito ay mga priority text. Ang priority text ay kontrol ng priority tags gaya ng H1, H2, H3.
[h1]Paano Isinasagawa ang SEO? - Pinoy SEO[/h1]
3) Emphasis Tag - b, strong - habang binabasa mo ang entry na ito, napansin mo na nakabold ang ilang mga salita, hindi ba? Ito ay para sa emphasis, ibig sabihin, importante sila. Ang emphasis ay kontrol ng emphasis tags. Mayroong dalawang uri ng emphasis tags pero parehas lamang ang epekto at gamit nila
a) b - (bold)
[b]Priority Tags[/b]
b) strong - (strong)
[strong]Priority Tags[/strong]
4) Alt Attribute- madalas na may image sa web page na binabasa mo. Pag ang image ay biglang naging unavailable, pinapakita ng web page ang alt text ng image. Eto ay kontrol ng alt attribute.
[img src='http://www.pinoyseo.org/seo-diagram.jpg alt='SEO Diagram']
5) Title Attribute - madalas na pag naghover ang iyong mouse sa mga hyperlinks, nakakakita ka ng tool tip. Ang mga tool tip na ito ay kontrol ng title attribute. Ang image tag at hyperlink tag ay pwedeng lagyan ng title attribute.
[a href='http://www.pinoyseo.org' title='Pinoy SEO']Pinoy SEO[/a]
6) Page Description - tuwing nagsi-search ka sa Google, madalas na may nakikita kang description sa ilalim ng page title hindi ba? Para maunawaan mo, eto ang isang ehemplo.
Ang nakikita mong description ng search result sa itaas ay kontrol ng meta description tag.
[meta name="description" content="May website ka ba?" /]
7) Keywords - dati ay importante ang mga keywords ngunit ngayon ay hindi na ito pinapahalagaan ng Google, Gayunpaman, makakatulong na malaman mo kung para saan ito. Ang keywords ay kontrol ng meta keyword tag.
[meta name="keywords" content="seo, page rank, search" /]
Ngayon ay alam mo na ang pinaka-importanteng mga salita para sa On Page Optimization. Pwede na nating pagusapan kung ano ang mga importante gagawin mo para sa On Page Optimization.
Papaano Isasagawa ang On Page Optimization?
1) Lahat ng pages ng website mo ay kailangan na mayroon Unique Title. Eto ay sobrang importante. Wag mong kalilimutan ito. Sa lahat ng On Page Optimization techniques, eto ang pinaka importante.
2) Lahat ng pages ng website mo ay kailangan na mayroong Unique Description. Kagaya ng nasa (1) eto ay sobrang importante. Eto ang ikalawang pinakamahalagang kailangan mong gawin.
3) Maglagay ka ng Priority tags sa bawat page mo hanggat maari. May mga pagkakataon na hindi siguro ito pwedeng gawin, pero subukan mong lagyan lahat ng page mo ng H1 tags.
4) Sa laman ng iyong web page, maglagay ka ng emphasis para malaman ng Google at ng iyong mambabasa ang mga importante mga salita.
5) Lagyan mo ng alt attribute ang mga images mo. Hindi lang ito para sa SEO, makakatulonng din para maging accessible ang site mo.
6) Doon sa mga links na pinaka-importante para sa iyo, lagyan mo sila ng title attribute. Hindi lamang makakatulong para sa SEO, kundi magkakaroon din ng tool tip para sa iyong mga mambabasa.
Mahirap ba ang mga nasa itaas? Madali lamang hindi ba? Lalo na kung ang iyong software ay mayroong automated na paraan para maisagawa ito.
Para magkaidea ka, ang website na tinitingnan mo ngayon ay mayroon automated na paraan para maglagay ng Title, Description, Keywords, H1, Alt, at Title attribute sa lahat ng web page. Alamin mo lamang sa iyong software kung papaano mo ito magagawa.
Malaki ang posibilidad na may automated na paraan ang iyong software. Kayang-kaya mong tapusin ang On Page Optimization sa kalahating araw lamang o kalahating oras kung alam mo kung papaano gawin ito sa iyong software.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment