Nalaman natin sa nakaraang entry kung papaano at gaano kadali ang pagsasagawa ng On Page Optimization. Ngayon naman ay ating aalamin ang ikalawang uri ng SEO, ang Off Page Optimization (OPO). Mabibigla ka siguro na kung gaano kadali ang On Page Optimization, ay ganoon naman kahirap at katrabaho ang OPO.
Bakit Nga Ba Mahirap ang Off Page Optimization?
Unang una sa mga kadahilanan kung bakit ito mahirap ay dahil hindi mo kontrol ang malaking bahagi ng Off Page Optimization. Nakainvolve na ang ibang tao para maisagawa mo ito. Ang totoo, pwede mong kalimutan na mayroon kang website dahil lalabas ka at makikisalamuha sa ibang websites para dito.
Ang ikalawang kadahilanan ay malaking bahagi ng Off Page Optimization ay hindi pwedeng i-automate. Naalala mo hindi ba kung bakit mabilis tapusin ang On Page Optimization? Eto ay dahil 98% ng On Page ay pwedeng i-automate.
Eto ay hindi posible sa Off Page. Kailangan mo talagang gawin manu-mano eto at sinasabi ko sa iyo, eto ay napaka-boring at nakakainip.
Malaki ang coverage ng Off Page Optimization kaya hahatiin natin sya sa iba't ibang topic na makikita mo sa website na ito.
Gayunpaman, ating aalamin sa entry na ito ang pinaka-importanteng kailangan malaman tungkol sa OPO.
Ano Ang Pinakaimportante sa Off Page Optimization?
Kahit malaking topic ang OPO, kaya natin syang isummarize ito sa isang salita.
BACKLINKS
Oo. Yan ang summary ng OPO. Yan at yan lamang ang pinakaimportante kailangan mong maintindihan ng lubusan para maging bihasa ka sa uri na ito.
Maraming paraan ang pwedeng isagawa para sa OPP. Ngunit lagi mong tatandaan na ginagawa mo lamang ito para makakuha ng maraming backlinks.
Ngayon ating alamin kung bakit importante ang backlinks.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment