Ngayon na napakilala na natin ang Rich Pinoy website at ang kanyang mga long term goals – ang unang katanungan ay – papaano tayo kikita?

Papaano kikita ang Rich Pinoy sa Internet?

Ang unang money making strategy na ating gagamitin ay ang pinakasimple – Google Adsense.

Gagabayan kita kung papaano magsetup ng Google Adsense para sa website mo.

Ano nga ba ang Google Adsense?

Pag nagsi-search ka sa Internet, madalas kang makakita ng Ads by Google hindi ba? Sigurado ako na nakakita ka na ng ganito sa Friendster.

Eto ang pinakasimpleng paraan para kumita ang mga websites gaya ng Friendster, MySpace, at Multiply sa kanilang milyun-milyon na members. Sa case ng Facebook, mayroon syang sariling Ads System – pero parehas lang ang concept ng mga ito – kumikita ang website sa pagdisplay ng mga ads.

May 3 paraan kung papaano kumikita ang websites sa mga ads

1. Pay Per Click – pag nag click ang user sa ad – may presyong katumbas ang click. Hindi pantay pantay ito – kung minsan mas mahal ang click sa iba.
2. Pay Per X Impression – Kahit hindi ka magclick sa mga ads, kumikita pa rin ang website based sa number ng times na nag load ang ads.
3. Special Ads – Sa case na ito, ang advertiser ay nagbabayad sa website para idisplay ang ad sa loob ng ilang araw.

So ngayon alam mo na kung bakit libre ang Yahoo Mail at Google Mail, Facebook, Multiply at iba pa. Dahil sa ads.

At dahil mayroon ka ng sarili mong website, pwede ka ng maging gaya nila – at pinakasimple at pinakamalaki nga sa mga ito ang Ads System ng Google – ang Google Adsense.

Punta ka sa website na ito: Google Adsense (http://www.adsense.com). Pag-aari yan ng Google.

Sundan mo ako at magre-register tayo para sa iyong website.

Mga Steps Kung Papaano Mag Setup sa Google Adsense

1. Pumunta ka sa http://www.adsense.com
2. Click mo ang Sign Up Now
3. Ngayon nasa Sign Up page ka na, fill up mo ang form. Base sa aking pagkaunawa dito, walang mahirap dito. Kompletuhin mo lang.
4. Importante na tama ang pangalan mo at ang iyong address.
5. Ise-send ng Google ang tseke sa address mo pag naka-abot na ito ng 100 US Dollars.
6. Kung tapos ka na sa registration, pwede ka ng mag setup ng Google Ads mo.

Ngayon na may Google Adsense account ka na, ready ka ng mag setup ng ads sa website mo.

0 comments