Ngayon araw na ito ang pasimula ng Rich Pinoy, ang website na ginawa para kumita sa Internet. Kung kayo ay curious, eto ang kalagayan ng website natin:
1) Walang Page Rank – 0 Page Rank
2) Walang Earnings – 0 earnings
3) Wala pang masyadong laman – 0 content (maliban sa binabasa mo)
4) Wala pang readers – 0 readers – (ikaw palang ang nagbabasa nito)
5) Walang external links – 0 back links
Markahan mo ang kalendaryo eto ang araw na pinanganak ang Rich Pinoy. At gaya ng mga bagong website, eto ay walang suporta o funding ng kahit anong malaking kompanya.
Bakit ko sinasabi ito? Para ma-inspire ka kahit papaano na hindi tayo magkaiba – ang pagsilang ng Rich Pinoy ay walang malaking pagkakaiba sa iyong bagong website.
Ngayon ang malaking tanong – ano ang future ng Rich Pinoy? May potensyal ba ang Rich Pinoy? Saan makakaabot ang Rich Pinoy? Magtatagumpay ba ang Rich Pinoy na kumita online?
Para mas maging malinaw, eto ang mga goals ng Rich Pinoy
Long Term Goals ng Rich Pinoy
1) Maging Number 1 sa Pinoy Make Money Online – Ang Rich Pinoy ang magiging number 1 na Pinoy website sa lahat ng topic tungkol sa pagkita ng salapi sa Internet.
2) Maging Number 1 na Pinoy Website na kumikita sa pagbibigay ng kaalaman sa mga Pinoy na gamitin ang Internet para sa kanilang sariling online money making strategies.
3) Maging Number 1 sa pagkita ng salapi – Ang Rich Pinoy ang magiging number 1 na website na kumikita sa online money making strategies.
4) Maging isa sa mga website na mataas ng Page Rank at dami ng back links.
5) Maging number 1 sa dami ng mga web readers na interasado sa make money online strategies.
6) Maging number 1 sa pinakaraming unique at helpful web content tungkol sa pagkita ng salapi sa Internet.
Ayan, nakita mo na ang mga long term goals ng Rich Pinoy. Ngayon, masasabi mo siguro, “Langhiya, ang taas-taas ng ambisyon mo pare koool!” Ang sagot dyan ay simple. Alam mo na ang sagot.
Ngayon, kung may website ka, inaanyayahan kitang maging bahagi ng Rich Pinoy. Gusto ko na ma-inspire ka – kung kaya ng Rich Pinoy – kaya rin ng website mo. Andito ang Rich Pinoy para magbigay ng gabay at payo – kung papaano kumita sa Internet. Tayo ay lumagong magkasama.
Kung nagustuhan mo ang post na ito, libre kang mag link sa Rich Pinoy. Isama mo na rin ang Rich Pinoy sa blog roll mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment